AnO ngA bA tAgAlOg ng lEAkAge?
October 25th, 2006
Mga
gurong hindi nagtuturo. Exam tungkol sa isang paksang hindi naman
tinuro. Exam na pag di mo pinasa’y dahilan upang umulit pa ng isang
taon. Exam na pati iyong guro’y aminadong di niya tinuro.
Sir paano na yung exam namin?
“Mag-aral na lang kayo. Matuto naman kayong magself-study.”
Oo nga pala. Nag-aaral nga pala ako sa Self-Study Academy.
Di na lang pala sana ako nag-enroll. Pasok ka pa ng pasok sa skul,
pagse-self-study-hin ka rin pala ng ng guro mo. Hindi na lang sana ako
nag-aral. Hindi na lang sana pumasok sa paaralan. Nagself-study na lang
sana ako sa bahay.
Ah ganun po ba sir? Hanggang saan po ba exam? Chapter 1 lang po itinuro niyo.
“Hanggang Grooving Toads, Chapter 5.”
AECD AECD AEE
Yan na ba yun?
“Oo kaso yung 1-11 pa lang.”, sabi ng kaibigan ko.
Sir
paano na yan sir, wala pa po kaming alam. Isang buwan lang po kayong
pumasok. Napakahirap po ng subject niyo. Di sapat ang self-study ng
tulad ko.
Para
saan pa ang guro kung self-study rin pala. Anu ang ginagawa nila sa
skul? May meeting? Nag-oorganize ng events? Hindi pala sana pagiging
guro tinahak nila.
“Ah ganun ba? Sige ako na bahala sa inyo…”
Wow naman si sir na daw bahala. I thought
“Pero mag-aral pa rin kayo. Basta hanggang Chapter 5, Grooving Toads.
AECD AECD AEE BFCC BFCC DBB
Kaya tuloy mas pipiliin ko na lang umasa, sa leakage ng bayan mula sa aking kaibigan. Kaso, ayoko niyan. Di ba masama yan?
Hindi.. Hindi totoo yun…. Si Mr. Top 1 nga e… Si Mr. President nga e… Si Father, Brother at Sister nga may leakage e…
LEAKAGE. Ano nga ba tagalog ng leakage?
P.S. (Pahabol na mga Salita)
Cheating Arrangement po?
Proctor: Hindi. Bawal mangopya. Kundi pareparehas tayong mananagot.
Ganun? Buti pa mga guro, magulang!, este, hindi lagot kahit di sila magturo.
No comments:
Post a Comment